Dagdag na sampung piso sa minimum wage sa Central Luzon, epektibo na

Epektibo na simula kahapon ang ikalawang tranche ng dagdag sahod sa Central Luzon.

Pare-parehong may dagdag na sampung piso ang mga empleyado sa non-agriculture, agriculture at retail and service.

Para sa mga nasa non-agriculture, ang establishment na may mahigit sampung empleyado ang bagong minimum wage sa ngayon ay magiging 460 pesos, habang sa mga non-agriculture establishment na may mababa sa sampung empleyado ay 453 ang bagong minimum wage.

Sa mga nasa agriculture, ang mga empleyado sa plantation, 430 ang kanilang bagong arawang sahod, at sa non-plantation ay 414.

Para naman sa mga nasa retail at services, sa mga establishments na may mahigit sampung empleyado, 449 ang kanilang bagong minimum wage, at 425 sa mga retail and service establishment na mababa sa sampu ang empleyado.

Samantala mas mababa naman ang minimum wage sa lalawigan ng Aurora na pumapatak mula 344 hanggang 409 pesos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *