Dagdag sahod sa mga JO employee ng LGU Bulan aprubado na

Aprubado na ang dagdag na sahod para sa mga job order o JOs ng Lokal na Pamahalaan ng Bulan.

Kasunod ito ng Resolution No. 349 Series 2023 na inaprubahan ng buong Sangguniang Bayan Members na nagbibigay ng derektiba kay Mayor Romeo Gordola na iimplementa ang minimum wage increase batay na rin sa Wage Order No. RBV-20 na nagtatakda ng dagdag sa minimum wage sa mga private sector workers sa Rehiyong Bicol batay naman sa Republic Act No. 6727 of The Minimum Wage Law.

Ibig sabihin mula sa P335 ay magiging P365 na ang minimum wage para sa mga job order employee ng munisipyo, kung saan  ito ay magiging epektibo ngayong buwan ng Agosto.

Ikinatuwa naman ng nasabing mga empleyado ang nasabing magandang balita na anila’y malaking tulong sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *