Dagdag singil sa kuryente, ‘di makatwiran; ‘rotational blackout, ‘wag idahilan, – ABP Inc.

Hindi makatwiran ang dagdag singil sa kuryente kung ititigil ang Power Supply Agreement (PSA) sa pagitan ng power providers at distribution utilities, ayon kay Evelyn Jallorina ng Alyansa ng Bagong Pilipinas Incorporated (ABP Inc.)- isang Non- Government Organization.

Mababatid na ipinatigil ng Korte Suprema ang PSA ng Delta P sa PALECO dahil hindi umano saklaw ng Energy Regulatory Commission (ERC) na i-delay ang guidelines ng Department of Energy (DOE) tungkol sa bagong bidding process.

Isa sa nakikitang paraan ng PALECO para maiwasan ang rotational blackout dulot nito ay magkaroon ng Emergency Power Supply Agreement (EPSA) na walang subsidiya mula sa gobyerno- ang resulta, dagdag na singil sa consumers.

Pero ayon sa ABP Inc., responsibilidad na ng power provider ang pagkakaroon ng stable supply sa kuryente.  Hindi umano dapat gamiting alibi ang rotational blackout para makapagdagdag-singil.

Ang ABP ang naghain ng petisyon sa Supreme Court (SC) laban sa umano’y monopolyadong sistema na dahilan ng hindi pagkakaroon ng transparent at open-bidding kung saan pumipili ang power distributor ng supplier nito.

“Parang confidential funds din lng. Sisingilin ang konsyumers ng dagdag 3 pesos which could amount to millions pag pinagsama-sama, tas sasabin mo lng pag mi pumalag, e yan ang intindi namin sa SC decision eh. So wag na kayo mag reklamo. That’s gaslighting the end-users. Sila na ang inoovercharged, sila pa pinapalabas na kontrabida” – Evelyn V. Jallorina, ABP. Inc

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *