Dagdag-toll sa SLEX at MCX, epektibo ngayong araw

Ipapatupad na ngayong araw ang taas-singil sa toll sa South Luzon Expressway (SLEX) at Muntinlupa–Cavite Expressway (MCX).

Ayon sa pamunuan ng SLEX, ang mga motoristang bumabiyahe mula Alabang papuntang Calamba ay may dagdag na P10.00 para sa Class 1; P20.00 sa Class 2 at P30.00 naman sa Class 3.

Habang mula Calamba hanggang Sto. Tomas, Batangas ay may umento na P4.00 sa Class 1; P6.00 sa Class 2; at P8.00 naman sa Class 3.

Samantala, sisingilin naman ng dagdag P1 hanggang P3 ang mga motoristang dadaan sa MCX toll gates.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *