Dagsa ng mga katoliko sa Naga City inasahan sa mga simbahan ngayong pista ng Immaculate Conception

NAGA CITY-  Ipinagdiriwang ng mga Katoliko sa buong mundo ang pista ng Immaculate Conception ngayong Disyembre 8; isang holy day of obligation sa liturgical calendar. Ito ay pagdiriwang ng kalinis-linisang paglilihi kay Maria ng kanyang ina na si Sta. Ana.

Sa Naga City na may malaking simbahan ng Immaculada Concepcion, sinabi ni Immaculate Conception Parish Priest Fr. Marc Real na nasa mahigit tatlong libo ang inaasahan nilang dadalo sa mga misa. Sana aniya ay isabuhay ang mabubuting gawa.

Ayon pa sa Social Action Ministry Executive Director ng CARITAS Caceres, may mga karagdagang misa ang ilang mga parokya sa Camarines Sur kaugnay ng pang nasabing okasyon ng Simbahang Katolika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *