Dagsa ng mga pasaherong babalik ng Maynila sa Presentacion, Camarines Sur, asahan pa hanggang sa Enero 7

NAGA CITY – Inaasahan pa ng mga bus sa bayan ng Presentacion, Camarines Sur na hanggang sa Enero 7 pa ang dagsa ng mga pasaherong babalik ng Maynila gayong kakatapos lamang ng pagdiriwang ng bagong taon.

Ito ang napag-alaman kay PCAPT Mark Spaña, Deputy Chief of Police ng Presentacion Municipal Police Station, batay na rin sa kanilang ginagawang pagbabantay lalo na pagdating sa trapiko sa bayan.

Maliban kasi sa pag-assist o may mga motorist assitance pang nakalatag, paunti-unti pa rin ang labas-masok ng mga turista o bisita lalo na sa mga paliguan o falls partikular sa Barangay Sta. Maria, Maangas, Cagnipa at iba pa na patuloy na pinupuntahan ng mga tao na regular din nilang iniikutan at minomonitor kasama ang mga barangay opisyal at tanod.

Malaki din ang pasasalamat ng opisyal generally peaceful ang pagdiriwang ng pasko at bagong taon sa bayan ng Presentacion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *