Dagsa ng mga turista sa Calabanga, pinaghandaan na

CAMARINES SUR – Ilalatag ng Tourism Office ng Calabanga Camarines Sur ang Assistance Desk para sa mga turistang dadayo ngayong Holy Week at Summer Vacation.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Miel Bongon, ang Municipal Tourism Officer ng bayan. Aniya, isa sa mga binabalik-balikan at dinarayo roon ang pagiging likas na mayaman nito sa kultura lalo na sa pagpreserba ng mga simbahan kung kaya’t kahit na nga mas maraming perigrino at deboto ang darating, inaasahan nila na ang mga ito ay pupunta rin sa bayan bilang isang turista.

Paalala na lamang ng opisyal sa mga pupunta sa bayan, perigrino man, deboto o turista na maging responsable at magbaon ng disiplina sa sarili at sa kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *