Dalawa, bagong namatay sa Covid-19 sa Puerto Princesa.

Dalawa ang panibagong namatay sa lungsod ng Puerto Princesa dahil sa COVID-19.

Ayon kay City Information Officer Richard C. Ligad, ito ay mga local case na lalaki 74 anyos na residente ng Purok Maligaya Bgy. Tagburos at ganap na alas 11:05 ng gabi nitong April 28  ito pumanaw.

Habang ang isa ay  68 anyos na lalaki na nakatira sa Bonifacio Street, Bgy. Masipag at ganap na 12:05 kahapon April 29 , 2021 ito pumanaw.

Samantala, hanggang kahapon, April 29, 2021, ang lungsod ng Puerto Princesa ay mayroong  264 aktibong kaso ng nakakamatay na sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *