Dalawa, patay sa pamamaril sa isang Christmas Party sa Camotes Island, Cebu

Nagresulta sa isang malagim na kremin ang isa sanang masayang Christmas party ng mag-amok at mamaril ang isang suspek na nagresulta sa pagkamatay sa dalawang indibdiwal sa barangay Imelda sa bayan ng Pilar sa Camotes Island sa Cebu pasado alas 11 kagabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Roger Cataros, 49 anyos, isang mangingisda at Benjie Alcala, 33 anyos, isang magsasaka, pawang nakatira sa nabanggit na lugar.

Habang ang suspect naman ay kinilalang si Rejie Navotas, 40 anyos, at isa ring magsasaka.

Una nito, nagkaroon ng Christmas party ang naturang barangay kung saan, invited ang lahat sa isang kasiyahan, sayawan, kantahan at pag-iinuman.

Sinasabing ng isinagawa ang palaro, nang-gulo ang suspek na lango na sa alak sa mga partisipante kaya pinagsabihan ito ng kanyang mga kapitbahay kasama na ang mga biktima na tumigil na at umuwi upang hindi makagulo.

Tumalima naman ang suspek ngunit kala-unan, bumalik si Navotas sa covered court at namaril kung saan natamaan at nasawi ang mga biktima.

Matapos ang insidente, agad na tumakas ang suspek.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinagawang hot pursuit operation ng pulisya upang ma-aresto ang suspek na posibleng sampahan ng kasong murder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *