Dalawang adopted child na naging matalik na magkaibigan, magkapatid pala sa totoong buhay?

Naniniwala ka ba na ipinagtatagpo ang dapat magtagpo?

Iyong tipong tadhana na mismo ang nagdikta, para mapadpad ang landas ng mga dapat magkita.

Ganito kasi mismo ang nangyari sa magkaibigang si Julia at Cassandra kung saan, sa una pa lamang nilang pagkikita at pagkakakilala sa isa’t isa ay talagang nagkasundo na sila.

Dahil sa kanilang mga pagkakapareho sa lahat nang bagay, naging dahilan na lamang ito bilang sila ay maging matalik na magkaibigan.

Umabot na rin nga umano sila sa puntong pakiramdam nila ay talagang magkapatid sila.

Maramin din ang nagsasabing makamuha sila ta parang magkapatid kung kaya, napaisip sila na tingnan ang kanilang mga adaptation papers dahil sa pareho umano silang ampon.

Ngunit, magkaiba nga ang kanilang mga ina maging ang lugar na kanilang pinanggalingan noong sila’y sanggol pa lamang.

Isang araw nga ay lumipat na rin sa Virginia si Cassandra pero, mayroon pa rin silang koneksiyon ni Julia at dito niya na rin nahanap ang kaniyang biological father.

Nakilala rin ni Cassandra ang isang kaibigan ni Julia na si Molly na kapareho nilang adopted child.

Dito, pinagkumpara nina Molly at Cassandra ang kanilang adaptation papers at pareho nga ang kanilang nanay.

Napag-isip din ni Molly na baka nagkapalit umano sila ng papeles dahil sa magkakilala ang tinuturong magulang niya at ang nanay ni Julia.

Dahil sa kaisipan na ito, kumbinsido na ang tatlo na maaaring magkapatid nga si Julia at Cassandra kaya agad silang nagpa-DNA test at dito na nga lumabas ang katotohanang magkapatid silang dalawa.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *