Local News

DALAWANG BANGKAY, MAGKAHIWALAY NA NATAGPUAN SA LALAWIGAN NG QUEZON

Dalawang hindi pa natutukoy na mga bangkay ang magkahiwalay na natagpuan sa lalawigan ng Quezon nitong Martes, Enero 17.

Ayon sa report, dakong alas 6:45 ng umaga umano nang matagpuan ng nagpapatrol noong personahe ng Sariaya Municipal Police Station (MPS) ang bangkay ng lalaki na nakahandusay sa tabing kalsada ng Eco Tourism Road Sitio Bagong Pook, Barangay Talaan Aplaya, Sariaya, Quezon.

Sa deskripsyon ng awtoridad, ang naunang natagpuan ay nasa mahigit o mas mababa sa 40 hanggang 45- anyos, nakasuot ng t-shirt (Santa Cruz), itim na jogger pants, itim na Laker’s ball cap, itim na sandals at may sputnik tattoo sa kanang braso.

Nadiskubre rin na may mga tama ito ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang walang ibang ebidensyang nakita sa naturang lugar.

Kaugnay nito, isa pang bangkay ang natagpuan rin sa bahagi naman ng Barangay Lakawan, Tayabas City bandang alas 9:00 ng umaga ng parehong araw.

Sa pahayag naman ng Tayabas PNP, natagpuan ang bangkay na nakabalot ng packaging tape ang ulo, balikat at mga paa. Kasalukuyan nang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon at operasyon ng awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima at kung may kaugnayan ang mga ito sa isa’t-isa.

BNFM Lucena

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

3 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

3 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

3 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

4 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

4 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

4 hours ago