Dalawang bilanggo sa US, nakatakas sa tulong lang ng isang sipilyo

NAKATAKAS mula sa Newport News Jail Annex sa estado ng Virginia ang dalawang bilanggo matapos ang malinis at walang ingay na paghukay ng kanilang daan palabas sa bilangguan gamit lamang ang isang sipilyo o toothbrush.

Kung saan nakilala ang dalawang lalaki na si John Garza, 37 years old, at Arley Nemo , 43 years old matapos na maiulat na ang mga ito ay nawawala mula sa  kanilang mga selda.

Sa detayle ng kanilang pagtakas ang preso ay gumamit ng isang makeshift tool na gawa sa toothbrush at isang metal at matigas na bagay upang hukayin at samantalahin ang construction flaw sa opisina ng sheriff at  magkaroon  ng access mula sa  ginagamit na reinforcement bar at saka ito binutas para sakanilang pagtakas.

Ngunit tila ang natikman na kaligayahan ng dalawang bilanggo ay sadyang napakaikli lamang, ipinaranas lang sa kanila ang saglit na kalayaan,  dahil muli silang nahuli kinaumagahan lang mula  sa kanilang pagtakas sa isang pancake restaurant ng IHOP o kalapit na bayan ng Hampton sa tulong ng mga mamayan dito.

Sa kasalukuyan ang dalawang personahe ay nasa kustodiya ng mga kinauukulan kung saan ang dalawa ay kakaharap sa sari-saring mga paglabag at probasyon bukod pa dito ang mga orihinal nilang mga kaso.

Samantala ang tanggapan naman ni Sheriff Gabe Morgan ay tikop ang bibig sa nangyaring anumalya o kapintasan sa kanilang bilangguan  ayaw na umano nila itong ipahayag sa publiko dahil sa ilang mga kadahilanang pang seguridad.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *