Dalawang checkpoint barriers papasok sa Sitio Kapihan, inalis na

Tinanggal na ang dalawang checkpoint barrier papasok sa Sitio Kapihan kung saan namalagi ang Socorro Bayanihan Services Inc.

Una nang inakusahan na nang-aabuso ng mga bata at may sariling private army ang organisasyon.

Sa kabilang dako, ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. walang napatunayang possession of firearms ang grupo batay sa regional report dahil ang nadiskubre lamang daw ay mga wood firearm replicas o mga baril na gawa sa kahoy.

Dagdag pa ni Acorda, ang mga pulis na sumanib sa SBSI ay sinibak na sa pwesto at ibinalik ang kanilang armas sa tanggapan ng PNP.

Sa ngayon, tiniyak na ng Caraga regional police ang seguridad ng Sitio Kapihan; may naka set-up na monitoring station at assistance desk sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *