Dalawang Chinese Vessels – muling na-monitor sa Benjam Rise

Muling nakita ang ilang mga barko ng China sa silangang bahagi ng bansa sa Benham Rise.

Sa mga retratong ipi-nost ni SeaLight director Ray Powell – nakita ang dalawng Chinese research vessels sa naturang teritoryo.

Sa track nito – lumabas na nagmula ang dalawang barko ng China na Haiyang Dizhi Liuhao at Haiyang Dizhisa sa Longxue Island sa Guangzhou, China at naglayag patungo sa Hilagang Silangan ng Luzon sa katubigag sakop ng Benham Rise sa Luzon Strait.

Kinumpirma naman nang Northern Luzon Command ang presensya ng dalawang barko; habang vine-verify pa rin ito sa panig naman ng Philippine Coast Guard (PCG).

Matatandaang nito ring Setyembre ng nakaraang taon nakita ang mga research vessels ng China sa kaparehong teritoryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *