Dalawang dating miyembro ng NPA, aktibong miyembro na ngayon ng CAFGU

CAMARINES NORTE- Aktibong miyembro na ngayon ng CAFGU ang dalawang lalaking dating miyembro ng NPA

Ito ay matapos nilang sumuko sa mga otoridad at magsimula muling magtiwala sa ipinaiiral na batas ng gobyerno

Ayon sa panayam ng Brigada News FM-Daet sa dalawang dating miyembro ng kilusan, isiniwalat nila ang kanilang naging karanasan pati na ang mga ipinangako sa kanila ng kilusan

Samantala, ayon kay PLTCOL Rogelyn Peratero, bukod sa programa sa mga nagbabalik loob na mga miyembro ng kilusan ay nag organisa rin umano sila ng grupo ng mga kabataan para sa kampanya kontra terorista

Dagdag pa ni PLTCOL Rogelyn Peratero nagkaron na rin umano ang dalawang lalaking nagbalik loob ng livelihood training para kung sakaling iwanan man umano nila ang pagiging isang CAFGU at bumalik bilang isang pangkaraniwang mamamayan ay may alam na umano silang gawain na dahilan upang hindi sila magutom.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *