Dalawang insidente ng pananaksak, naitala sa Lipa City, Batangas

Naitala kahapon ng gabi ang dalawang magkaibang insidente ng pananaksak sa Lipa City, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon ng Lipa City Police station, naganap ang unang insidente ng pananaksak bandang alas-8:10 ng gabi ng Hunyo 29, 2022, kung saan magkapatid umano ang sangkot sa insidente.

Kinilala ang suspek na si Marlon Lajara, 25 anyos at ang kapatid na biktima nito na si Michael Lajara, 26 na magkasamang naninirahan sa Brgy. Balintawak, Lipa City, Batangas.

Nagkaroon ng argumento o hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa na naging mitsa ng pananaksak ng suspek sa kanyang kapatid.

Nagtamo ng saksak sa kaliwang dibdib ang biktima at nadala pa sa pinaka-malapit na ospital subalit idineklarang dead on arrival na.

Samantala, naganap naman ang ikalawang insidente bandang alas-9:20 ng gabi ng kaparehong araw sa Brgy. Lodlod, Lipa City, Batangas.

Ang suspek sa krimen ay si Joselito Magbuhat, 37 anyos at residente naman ng Brgy. Sabang ng nasabing bayan.

Nagkaroon din ng argumento sa pagitan ng suspek at mga biktima na naging dahilan ng pananaksak ng suspek.

Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang unang suspek sa krimen habang nasa kostudiya na ng nasabing himpilan si Magbuhat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *