Dalawang linggong tigil-pasada, ikakasa ng MANIBELA, PISTON simula Lunes

Kinumpirma ng MANIBELA at PISTON na mayroon na naman silang ikakasang bagong round ng tigil-pasada sa susunod na linggo.

Sa nagpapatuloy nilang welga – inanunsyo ni MANIBELA president Mar Valbuena na magkakasa sila ng dalawang linggong transport strike.

Magsisimula ito sa December 18, at magtatapos naman sa December 29.

Bago ito, una nang kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes, na hindi masyadong ramdam ang dalawang araw na tigil-pasada.

Ayon kay Artes, parang regular rush Friday lang ang epekto ng hindi pagbiyahe ng ilang mga jeep.

Wala pa rin aniya silang natatanggap na reklamo na kulang na ang mga transport vehicles, dahil pinaghandaan na ito agad ng ahensya.

Samantala, naka-standby pa rin naman umano ang higit-kumulang 600 na mga rescue vehicles para makapagbigay ng libreng sakay sakaling kailanganin ng mga pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *