Dalawang minero patay matapos matabunan ng gumuhong lupa sa miniminang lugar sa Casalugan, Paracale Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Patay na ng matagpuan ang dalawang lalaki matapos na matabunan ng gumuhong lupa sa pinagmiminahan nitong lugar sa Barangay Casalugan sa bayan ng Paracale Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Brigada news FM Daet kay Punong Barangay Emman S. Sayno naganap ang insidente sa pagitan ng alas 11:00 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali kahapon  

Sinabi ni kapitan Sayno na siya mismo ang tumawag sa MDRRMO at ilang rescue team para tulungan ang natabunang mga biktima na nakilalang sila Dante Cereno at Danilo Castelar.

Apat na magkakasama ang mga biktima, umahon ang dalawa dito para mananghalian at naiwan ang mga nasawi, pagbalik ng mga ito ay dito na nila nakita na gumuho ang lupang kanilang pinagmiminahan

Sa imbestigasyon, open pit ang lugar kung sàan, gamit lamang ang tubig para I-flash out ang matigas na lupa na may mga bato kung saan biglang lumambot at gumuho ito hanggang matabunan ang mga biktima

Bandang ala- 1:00 na ng hapon ng marekober ang mga biktima subalit wala na itong mga buhay ng matagpuan ng rescue team

Ang isa sa mga nasawi ay natagpuan sa bahaging itaas ng bumlubunduking lupa na halos may isang talampakan lamang ang lalim habang ang isa pang kasamahan nito ay natagpuan sa bahaging ibaba na mayroong sampung talamapakan ang lalim.

Ayon kay Kapitan, wala itong mga financier at ginagawa ng mga ito ay nagkakabod lamang sa kanilang sariling lupa hanggang sa mangyari na ang aksidente na nagresulta sa pagkasawi ng mga ito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *