Dalawang pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga, huli sa buybust operation sa bayan ng Jose Panganiban

CAMARINES NORTE- Dalawang lalake na kapwa suspek sa pagtutulak ng iligal na droga ang nadakip ng mga kapulisan sa isinagawang buy-bust operation bandang alas 4:20 ng hapon nitong Huwebes sa P-1 Brgy. Sta. Milagrosa, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ang mga suspek ay kinilalang sina JOHN ROBERT DAYTO y CERENO, 23 anyos at residente ng Purok 5, Brgy Parang, Jose Panganiban at MARK PAUL MALTO y ACUPAN, 31 anyos at residente ng Purok 7, Brgy Parang, Jose Panganiban,

Ang nagpanggap na poseur buyer sa ikinasang operasyon ay matagumpay na nakabili ng isang maliit na pakete ng hinihinalang shabu na nagsilbing buybust item at narekober din sa mga suspek ang isang (1) Rusi motorcycle

Samantala, nakumpiska kay Malto ang isang (1) piraso ng maliit na pakete ng hinihinalang shabu habang Nakumpiska kay Cereno ang Tatlong (3) piraso ng tig isang daang piso na bust money at isang (1) piraso ng lighter

Tinatayang may bigat na humigit kumulang .15 gramo ang nakumpiskang iligal na droga na may tinatayang halaga na isang libong piso (Php 1,000.00).

Samantala, inihahanda na ng Jose Panganiban MPS ang mga kaukulang dokumento at ebidensya para sa pagsampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *