Dalawang probisyon sa 2024 National Budget – na-veto ni PBBM

Vi-neto ni Pangulong Bongbong Marcos ang dalawang probisyon ng 2024 General Appropriations Act.

Sa liham ni Pangulong Bongbong Marcos kay House Speaker Martin Romualdez na may petsang December 20, kabilang sa vineto nito ang Special Provision No. 1, ‘DOJ Revolving Fund,’ Volume I-A, page 1119 revolving fund ng Department of Justice-Office of the Secretary o DOJ-OSEC, dahil wala anyang batas na nagbibigay kapangyarihan sa DOJ na magtatag ng revolving fund para sa layuning binanggit dito.

May kinalaman ito sa service fees na pinapataw kapag naghain ng reklamo at affidavits sa national prosecution service at sa petitions for review na inihahain sa DOJ.

Kabilang din sa hindi inaprobahan ng Pangulo ay ang Section 38 sa ilalim ng General Provisions, patungkol sa implementasyon ng National Government’s Career Executive Service Development Program o NGCESDP, Volume I-B, page 762.

Sinabi ng Pangulo na ang naturang seksyon ay walang kaugnayan sa anumang partikular na alokasyon sa national budget.

Ayon pa sa Punong Ehekutibo, hindi na ito kailangan sapagkat mayroon nang Presidential decree number 1 na nilagdaan noong 1972 na lumilikha sa career executive service board na siyang bumabalangkas ng mga programa para sa career executive service o CES at development academy of the Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *