#GardoPH: LPA, isa nang bagyo; Typhoon Hinnamnor, posibleng pumasok sa bansa bukas

Isa nang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area sa silangang bahagi ng Extreme Northern at tinawag na Bagyong #GardoPH.

Ayon sa PAGASA, ngayong alas dos ng hapon ay nag-develop na ang LPA bilang isang Tropical Depression

Iba pa ito sa Typhoon Hinnamnor na inaasahang papasok din ng Philippine Area of Responsibility bukas ng gabi at tatawagin namang Bagyong #HenryPH.

Sa 11am bulletin ng PAGASA, huling namataan ang Typhoon Hinnamnor sa layong 1,655 kilometro silangan hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 165 kilometro kara oras at bugsaong aabot ng 205 kilometro kada oras.

Inaasahang lalo pa itong lalakas habang nasa karagatan sa south of Japan at inaasahang magiging isang ganap na Super Typhoon sa loob ng bente kuwatro oras.

Dahil dito, hindi isinasantabi ng weather bureau ang pagtataas ng mga tropical cyclone wind signal sa hilagang bahagi ng Luzon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *