Daloy ng trapiko, asahang babagal pa ngayong Kapaskuhan – MMDA

Inaasahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na  titindi pa ang daloy ng trapiko na simula ngayong araw na magpapatuloy hanggang Holiday Season.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Romando Artes, bibigat ang daloy ng trapiko sa susunod na tatlong linggo dahil payday weekend kaya’t maraming magla-last minute shopping sa December 15.

Dagdag pa ni Artes, sa December 22 naman ay kasagsagan ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya.

Sa kabila nito, ipapatupad pa rin ng ahensya ang number coding para kahit kaunti ay mabawasan ang mga sasakyan sa lansangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *