Dami ng mga pasaherong sa mga pantalan sa bansa, sa weekend pa aasahan

Ngayong weekend pa inaasahan ng Philippine Coast Guard ang dami ng mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, ito’y dahil posibleng nag extend ng bakasyon ang ilan dahil sa nakaraang Barangay at SK Elections at ngayong Undas.

Sa ngayon sabi ni Balilo, manageable pa ang bilang ng mga pasaherong nagdadatingan sa Batangas Port at maging sa North Port sa Maynila.

Muli naman nagpapaalala ang PCG sa mga bibiyahe at sasakay ng barko na iwasan nang magdala ng mga gamit o bagahe na maaring sumabog.

Pinapayo rin nila ang pagiging vigilant at huwag pumayag na sumakay sa mga overload na sasakyang pandagat kung may mago offer na libre lalo na sa mga matatanda at bata.

Mahigpit aniya ang ginagawa nilang inspeksyon at tinitiyak na tama ang bilang ng mga pasahero sa manifesto at capacity ng barko.

Mananatiling nasa full alert status ang mga tauhan ng PCG hanggang Nov. 5.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *