Danyos ng nagpapatuloy ng Shear Line sa Agriculture, higit P14M na

Pumalo na sa mahigit P14 milyon ang danyos sa agrikiltura ng Shear Line na nakaapekto sa Reg. 11 at Caraga.

Ito’y batay sa inilabas na situational Report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, ngayong araw.

Bukod dito, nasa mahigit P26 milyon na rin ang naitalang danyos sa imprastraktura na inaasahang madaragdagan pa dahil sa nagpapatuloy na mga pagbaha.

Sa ngayon, may walaong city and municipality na ang nagdeklara ng state of calamity habang patuloy pa rin ang pagresponde at tulong sa mga kababayan sa Davao Region kung saan tinatayang halos P55 milyon na rin ang naipapaabot na tulong sa mga apektado ng Shear line.

Samantala, umakyat na sa 16 ang casualty 10 dito ay confimed, 6 ang bina-validate pa ng NDRRMC habang 5 naman ang sugatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *