Dapat dumaan sa bidding ang NFA para hindi naging bagsak-presyo ang NFA rice – Grupo

Ipinagtataka ng Free Farmers Federation kung bakit hindi dumaan sa bidding ang mga bigas na inilabas ng National Food Authority (NFA).

Ito ay kaugnay ng bagsak-presyong bentahan ng bigas na ginawa ng naturang ahensya, at pagkasuspinde sa 139 na mga empleyado nito.

Sa panayam ng 105.1 Brigada News FM Manila kay Free Farmers Federation National Manager Raul Montemayor, sinabi nitong kahit luma na ang palay, hindi naman dapat sobrang sumayad ang presyo nito dahilan para malugi na ang pamahalaan.

Sana raw ay idinaan sa bidding ang naturang mga bigas at hindi basta na lang ibinenta.

Iginiit ng opisyal na hindi nila maintihan kung bakit naging ganoon ang sistema ng NFA, at nananatiling kwestyon ang proseso ng pagdi-dispose ng bigas sa pribadong sektor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *