Dapat na benepisyong matanggap ng mga manggagawa, ipinaalala ng DOLE

Pinaalalahanan ng DOLE Regional Field Office 2 ang mga employers hinggil sa nararapat na sahod at benepisyo na matanggap ng mga manggagawa.

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News Team kay DOLE Cagayan Field Office Head at Technical Support Division Chief Laura Diciano, dapat na matanggap ng mga manggagawa ngayon ang P435 na minimum wage.

Aniya, kabilang sa benepisyong dapat matanggap ng mga manggagawa ay ang overtime pay, night shift differential pay kapag nagtrabaho ng 10:00 pm hanggang 6:00 am, Premium pay, holiday pay at 13th month pay.

Karapatan din aniya ng mga manggagawa na magkaroon ng 5 days leave kapag mayroon na itong isang taon sa trabaho, kabilang din sa leave benefits ang parental leave, maternity leave, solo parent leave at VAWC leave.

Samantala, ang dapat namang ikaltas sa manggagawa sa kanilang PAG-IBIG ay dapat hindi lalagpas sa P100, 5% naman ang kaltas sa Philhealth habang sa SSS ay mas malaki ang contribution ng employer kumpara sa ikakaltas sa sahod ng employee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *