Darren Espanto, nilinaw na walang namamagitan sa kanila ni Cassy Legaspi

Nagsalita na ang aktor-singer na si Darren Espanto hinggil sa mga spekulasyon tungkol sa pagkakaibigan nito sa aktres na si Cassy Legaspi.

Nilinaw ni Darren ang rekord magkaibigan lang sila ni Cassy mula pa noong una silang magkakilala, sa kabila ng mga maling akala na sila ay higit pa sa magkaibigan.

Aniya, makulit ang kanilang mga fans dahil ilang beses niya ng sinabi na walang namamagitan sa kanilang dalawa dahil best friends lang raw talaga sila.

Muli kasing naungkat ang mga spekulasyon matapos mag-trending sa social media ang mga nagshi-ship kay Darren at sa aktres na si Jillian Ward.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *