Dating aktres na si Mayor Niña Jose-Quiambao, viral ngayon dahil nabahuan sa mic

Viral ngayon sa social media ang isang video na kinasasakngkutan ng dating aktres at ngayo’y alkalde na ng Bayambang, Pangasinan na si Mayor Niña Jose-Quiambao.

Napatilgil kasi ito sa kanyang talumpati sa isang event at diretsahang sinabi na “Change the mic, there’s bad breath here!”

Saad ni Mayor Nina, maasim raw talaga ang mikropono at hindi niya matiis ito kaya’t agad siyang nag-request na palitan.

Pinuna naman agad ng netizens ang alkalde at sinabing hindi nakaka-class ang kanyang ginawa.

Nakakahiya rin daw na diretsahang niyang ipinakita ang kanyang ugali sa harap ng kanyang mga constituents.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *