Dating alkalde ng Bulan, Sorsogon pinawalang sala sa kasong graft

SORSOGON CITY – Pinawalang sala ng Sandiganbayan si dating Mayor Marnellie Robles ng Bulan, Sorsogon mula sa kasong graft dahil sa umano’y kabiguang kumilos ng mabilis sa aplikasyon para sa terminal leave benefits na nagkakahlaga ng P846,043.85  ng isang empleyado ng bayan.

Ang kasong graft laban kay Robles ay isinampa ng Office of the Ombudsman noong 2018 batay sa reklamo na isinampa ng empleyado na si Helen De Castro.

Ang dating alkalde ay inakusahan ng ‘’evidence bad faith, manifest partiality or gross inexcusable negligence’’ dahil sa hindi pag-aksyon ng terminal leave ni De Castro, na humantong sa ‘’willfully, unlawfully and criminally caused undue injury to De Castro.’’

Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Oscar Herrera Jr., nagpasya ang anti-graft court na kahit naging ‘remiss’ si Robles sa pagbigay ng agarang aksyon sa terminal leave pay ni De Castro, ‘’the evidence is insufficient to warrant the conclusion that her failure to do so is indicative of evident bad faith or gross inexcusable negligence.’’

Sa pagbanggit ng desisyon ng Korte Suprema, sinabi ng Sandiganbayan na ‘“mistakes committed by a public officer are not actionable absent any clear showing that they were motivated by evident bad faith or gross negligence.”

Gayundin, sinabi ng anti-graft court na ang akusasyon kay Robles na nakapgdulot ito ng ‘’undue injury’’ kay De Castro ay hindi napatunayan dahil natanggap na ni De Castro ang kanyang terminal pay.

Nabanggit na ang pagkaantala ng pagtanggap ng terminal leave pay ni De Castro ay nagdulot sa kanya ng abala. Gayunpaman, sinabi ng korte na ‘’such is not tantamount to the injury within the contemplation of Section 3 (e) of RA No.3019,’’ the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Iniutos din ng Sandiganbayan na ibalik ang piyansa na binayaran ni Robles at bawiin ang hold departure order (HDO) na ipinag-utos laban sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *