Dating Finance secretary Diokno – nanumpa na para sa panunumbalik sa BSP

Pormal nang nanumpa si dating Finance secretary Benjamin Diokno sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ito ay makaraang palitan siya sa Kagawaran ni Congressman at ngayo’y bagong Secretary of Finance Ralph Recto.

Ibinahagi ni Diokno ang mga retrato ng kaniyang oath-taking ceremony sa harap ni BSP Governor Eli Remolona.

Matatandaang kinumpirma ni Pangulong Bongbong Marcos kahapon na inalok niya si Diokno na maging bahagi ito ng board ng Maharlika Investment Fund (MIF) pero mas piniling bumalik na lamang sa BSP.

Kung maaalala – sa ilalim ng Duterte administration ay naging BSP Governor si Diokno, bago mailipat sa Department of Finance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *