Dating opisyal sa SoKor na dawit sa pagnanakaw sa kanilang pamahalaan, arestado

Arestado ang isang dating opisyal sa South Korea na si Young Sam Choe sa Mandaluyong City.

Ito’y matapos umanong nakawin ang halos P200M na pera ng South Korea habang siya’y nasa puwesto pa.

Ayon sa hepe ng Fugitive Search Unit na si Rendel Sy, pahirapan ang paghuli kay Choe dahil palipat-lipat ito ng tirahan para hindi madaling matunton ng mga otoridad.

Kung ikukumpara sa Pilipinas, para aniyang nakaupo ang nasabing pugante sa Philhealth.

Batay sa record ng Bureau of Immigration, noong isang taon pa dumating sa Pilipinas ang dating opisyal ng Seoul pero sa mga panahong iyon ay wala pa siyang derogatory record kaya ito nakapasok ng bansa.

Sa ngayon, on-going na ang deportation proceedings at kasalukuyan siyang hawak ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *