Dating Pang. Duterte, itinalaga bilang bagong administrator ng KOJC

Itinalaga bilang bagong administrator ng Kingdom of Jesus Christ si dating Pangulong Rodirgo Duterte.

Ito ay batay sa anunsiyo na inilabas ng Sonshine Media Network International sa kanilang social media account.

Ibig sabihin, si Duterte ang mamahala sa mga ari-arian ng Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Apollo Quiboloy.

Nilabas ang anunsyo sa gitna ng pag-contempt ng Senate Committee on Women and Children laban sa Appointed son of God at pagsasapubliko ng kaniyang warrant of arrest sa Amerika.

Mababatid na kilalang malapit na magkaibigan ang dating Pangulo at ang Pastor, na spiritual adviser din ni Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *