Dating pangulong Duterte – ‘di na raw papansinin pa ang mga ‘pasabog’ ni Trillanes

Tinawag na ‘absolute nonsense’ ni Atty. Salvador Panelo na nagsilbing chief presidential legal counsel ni dating pangulong Rodrigo Duterte, ang mga pasabog ni dating senador Antonio Trillanes IV.

Nauna nang inanunsyo ni Trillanes na posible umanong ilabas ng International Criminal Court sa buwan ng Hunyo o Hulyo ang ang warrant of arrest laban kay dating Pang. Duterte dahil sa war on drugs.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Panelo 0- sinabi nitong publicity lamang daw ito ni Trillanes na tila gustong tumakbo sa susunod na eleksyon.

Samantala, sinabi pa ni Panelo na hindi kailanman isusuko ng pamahalaan ang soberenya ng bansa sa ginagawang imebstigasyon ng ICC sa drug ward campaign ng dating administrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *