Dating pangulong Duterte, itinangging may kinalaman sa destab plot vs Marcos admin

Mariing itinanggi ni dating pangulong Rodrigo Duterte kung paano nadawit ang kanyang pangalan sa umano’y mga hakbang na destabilisasyon laban sa gobyerno.

Bagama’t inamin ni Duterte na nakikipag-usap siya sa ilang retiradong heneral, itinanggi niya ang planong destabilisasyon o kudeta.

Aniya, maaring siya ay na-misquote dahil hindi niya iniisip na may seryosong isyu ng katiwalian sa gobyerno sa ganitong panahon.

Nauna nang ibinunyag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga hakbang ng destabilisasyon laban sa administrasyong Marcos ng ilang retiradong heneral, at may mga insinuation na si Duterte ang nasa likod ng mga hakbang.

Sa kabila nito, nilinaw ng AFP na posibleng na-‘misquote’ lang si Brawner.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *