Dating point guard ng Boston Celtics, planong bumalik sa hard court

Planong bumalik sa NBA ang dating point guard ng Boston Celtics na si Isaiah Thomas.

Sa katunayan, maglalaro sa G league team ng Utah Jazz na ‘Salt Lake City Stars’ si Thomas para mapatunayang kaya pa nitong maglaro.

Maaalalang noong 2017, nagkaroon ng hip injury ang beteranong point guard kaya nahirapan na siyang makakuha ng kontrata sa NBA.

Nasa kasaagsagan ng kasikatan si Thomas mula 2015 hanggang 2017 sa Boston Celtics na may average na 24.7 points, 2.7 rebounds, at 6.0 assists.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *