Dating PRRD, binawi ang alegasyon kay PBBM kaugnay ang ipinagbabawal na gamot

Kinambyo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alegasyon nito laban kay Pangulong Bongbong Marcos.

Kung maaalala sa prayer rally sa Davao noong nakaraang buwan, inakusahan ni Duterte si Marcos na di umano’y gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sabi ni Duterte – kahit patayin siya nang paulit-ulit, wala siyang sinabing ganito.

Aniya, baka ipapatay pa siya ng Pangulo,

Takot pa naman daw itong mamatay dahil matanda na ito.

Maliban dito, una na ring sinabi ni Duterte na kabilang na si Pangulong Marcos sa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – na kalunan ay pinabulaanan din ng ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *