Dating rep. Teves – maaari nang arestuhin ng alin mang bansa

Kabilang na sa red notice list ng International Criminal Police Organization (INTERPOL) si dating Negros Oriental Representative Arnie Teves Jr.

Batay sa INTERPOL, ang red notice ay isang request sa mga law enforcement sa buong mundo na i-locate at arestuhin ang isang tao.

Ayon naman sa legal counsel ni Teves, hindi na sila nagulat pa sa ginawang aksyon ng mga otoridad.

Kailangan daw talagang gawin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang tungkulin nito, lalo pa’t miyembro ang bansa ng INTERPOL.

Samantala, hindi naman nagbitaw ng ano mang komento ang abogado hinggil sa kalagayan ng dating mambabatas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *