Dating SAF director Napeñas – idiniing ‘di pa nakukuha ng SAF 44 ang hustisya

Tahasang sinabi ni dating Special Action Force o SAF director Getulio Napeñas na para sa kanya, wala pa ring hustisya ang malagim na nangyari sa SAF44.

Sa isang interview, sinabi ni Napeñas sa media na hanggang ngayon ay wala pang nasasampahan ng kaso sa mga pumatay sa SAF44.

Kaya umaasa ang dating opisyal na mabibigyan sila ng hustisya ng present administration.

Nabatid na si Napeñas ang SAF Director noong panahong nangyari ang Mamasapano massacre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *