Dating security guard, registered criminologist na ngayon

Pinabilib ng netizens ang isang registered criminologist nja si Jerry Uwag Watamama na taga Sultan Kudarat.

Pumasa kasi ito noong Februrary 2024 sa Criminologists licensure exam.

Ngunit bago niya ito nakamit, isa’t kalahating taon muna siyang naging tagalinis sa loob ng kanyang pinagaaralan at tatlong taong naging security guard para matustusan ang pag-aaral at pagre-review sa board exam.

Mahirap man ang pamilya ni Jerry, nagsikap siyang maabot ang kanyang pangarap, at yun  ang makapagtapos sa pag-aaral at makapasa sa board exam.

Si Jerry rin ang ang kauna-unahang board passer mula sa tribo ng Manobo Dulangan.

#####

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *