Dating Sen. de Lima – isang inspirasyon kay UN Special Repporteur Irene Khan

Na-inspire umano si UN rapporteur on freedom of opinion and expression Iren Khan sa katapangan ni dating senadora Leila de Lima na ipagtanggol ang karapatang pantao.

Aniya, isang inspirasyon ang tapang ng senadora na ipaglaban ang karapatang pantao.

Nagkita ang dalawa noong January 30 para pag-usapan ang tungkol sa kalayaan sa pamamahayag sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sinabi naman ni de Lima, nagkaroon sila ng isang magandang pagpupulong.

Nagpasalamat din ito kay Khan sa walang patid nitong suporta para sa kanilang layunin na labanan ang disinformation, pagprotekta sa malayang pananalita, at pagtaguyod ng katarungan at karapatang pantao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *