Local News

Dating sigla ng Kamundagan Festival sa Naga City , hindi pa naibalik

NAGA CITY –  Walang bonggang pagdiriwang ng Kamundagan Festival ngayong Disyembre, tulad ng naglalakihang parol, pagandahan ng Belen ng mga barangay at pagsindi ng higanteng Christmas Tree sa Plaza Quezon.

Ito ang diretsahang inihayag sa media ni Allen Reondanga, City Events Protocol and Public Information Office (CEPPIO) Chief.

Maraming ginastosan noong pandemya, mahal din ang bayarin sa kuryente ng City Hall at malaki ang ginagastos sa petrolyo.

Hinahanap ng publiko ang nakasanayang makulay at masayang pagdiriwang ng lungsod tuwing dumarating ang Disyembre, bago pa man magkaroong ng pandemya. Ang Pastores de Belen na nilalahukan ng 27 barangay ng lungsod na makikita sa kahabaan ng Panganiban drive, isa rin sa hinahanap.

Magkakaroon ng lamang ng concert sa plaza na gagawin ng mga local bands at local artists, mangyayari ito sa December 10,11 and 12 ng gabi. Paliwanag ni Reondanga, magandang pagkakataon din ito upang  makilala ang local artists ng lungsod na nabalewala din mula ng magkaroon ng pandemya. Libre aniya itong mapapanood sa plaza na tiyak na ikalulugod ng mga manonood.

Ang Plaza Rizal at Plaza Quinse Martires ay puno ng pailaw.

BNFM Naga

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

22 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

22 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

22 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

22 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

22 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

22 hours ago