Dating UK PM, dinepensahan ang pagpaliban ng COVID-19 lockdown sa London

Dinepensahan ni dating United Kingdom Prime Minister Boris Johnson ang kanyang desisyon sa pagpaliban ng COVID-19 lockdown sa London.

Katuwiran ni Boris, ang pangunahing dahilan ay hindi raw pantay-pantay na kumalat sa buong London ang nasabing virus.

Bukod dito, kinuwestiyon din ang dating Prime Minister sa kanyang pahayag na ‘let it rip’ nang napag-usapan ang stratehiya sa pagpuksa sa umiiral na virus dahil tila sinasabi nitong hayaan na lamang magdusa ang kanyang nasasakupan sa sakit.

Punto naman ni Boris, maraming tao ang gumagamit ng ‘let it rip’ noong kasagsagan ng pandemya bilang stratehiya para ma-engganyo na magpabakuna ang taga-London.

Nasa 130K na mga indibidwal sa London ang namatay dahil sa COVID-19 noong July 2021 at tinaguriang pinaka-worst na bilang sa bansang Kanluran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *