Davao City, di bagong COVID-19 epicenter- DOH

Ibinasura ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng terminong “epicenter” para ilarawan ang Davao City sa gitna ng nararanasan nitong pagsipa ng COVID-19 cases. 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, di iminumungkahi ng DOH ang paggamit ng salitang “epicenter” para ilarawan ang pagtaas ng infections sa isang area.

Aniya, pagdating sa epidemya, pag sinabing epicenter, ito ay area kung saan nagmula ang infection, nangangahulugan din itong hotspot para sa infection. 

Paliwaang ni Vergeire, di naman origin ng COVID-19 ang Davao, at may iba pang lugar na equally o mas apektado ng pandemya.

Ginawa ni Vergeire ang pahayag matapos na ianunsyo ng OCTA Research group na naungusan na ng Davao ang Quezon City sa pagkakaroon ng pinakamaraming average number ng daily new COVID-19 cases. 

Tiniyak naman ng opisyal na mino-monitor ng gobyerno ang sitwasyon sa Davao City dahil sa patuloy na pagsipa ng cases. 

Una nang hinigpitan ng Malacanang ang quarantine restrictions sa Davao City at sinabing maling ikumpara ito sa QC dahil magkaiba ang lockdown classifications ng dalawang lungsod.

Ang Quezon City ay nakasailalim sa general community quarantine, habang ang Davao City ay nakasailalim sa mas mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *