Local News

Davao City diarrhea outbreak – 3 dead; higit 20 barangay, apektado

DAVAO CITY – Nadagdagan na naman ng isa ang naitalang namatay dahil sa Diarrhea Outbreak sa Toril District.

Sa pahayag ni Dr. Ashley Lopez sa City Health Office (CHO), isang 32 anyos na guro, tubong Purok 2 Mandus Lingig, Surigao del Sur ngunit temporaryong naninirahan sa Lubogan Toril nitong lungsod ang ikatlong namatay.

Nakaranas ang pasyente ng severe dehydration at metabolic disorder habang naka-confine sa isang ospital sa Toril dahilan na nilipat ito sa Southern Philippines Medical (SPMC) hanggang sa nalagutan ng kanyang buhay.

Sinasbaing bago nakaranas ng sintomas, kumain pa ito ng isaw at uminom ng tapioca sa street foods sa Rasay Toril nitong lungsod.

Kung maalala, una ng namatay ang isang 10 anyos na bata at isang lolo dahil pa rin sa diarrhea.

Samantalang sinabi rin ni Dr. Lopez na kinokonsidera nila ang pagsasagawa ng extension sa seminar sa mga street food vendors sa lungsod matapos ang outbreak at isa sa mahigpit nilang ipapatupad ay ang pagpresenta ng health card ng mga street food vedors para matiyak na malinis ang kanilang tinitinda.

Sa kasalukuyan, nasa 218 na ang naitalang apektado ng diarrhea mula sa higit 20 mga Barangay.(BNFM DAVAO)
#

BNFM Davao

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

3 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

3 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

3 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

3 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

3 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

4 hours ago