Davao City, nagtala ng pinakamataas na case fatality rate as of June 2021 – Octa

Ibinahagi ng OCTA research team na nagtala ang Davao City ng pinakamataas na case fatality rate (CFR) mula sa COVID-19, kung saan nalampasan pa nito ang mga malalaking lungsod sa Metro Manila, na ikinokonsiderang epicenter ng infections of June 2021.

Ayon sa Octa, nagtala ang Davao City ng pinakamataas na CFR sa 3.43 percent noong Hunyo nitong taon na may populasyon na 1.82 million, mas mataas sa naitala sa Quezon City sa 1.47 percent, na may populasyon na 3.15 million.

Nabatid na as of June 2021, nagtala ang Davao City ng 674 deaths, na may 21,991 total confirmed cases simula nang magsimula ang pandemya noong March 2020.

Para ngayong 2021, nagtala ang lungsod ng 12,779 confirmed cases.

Sa kanilang June 20 report, sinabi ng Octa na ang ICU utilization rate ng Davao City ay nasa kritikal sa 95 percent habang ang hospital bed utilization ay nasa moderate sa 67 percent, habang nakapagtala rin ang natruang lungsod ng one-week growth rate na 26 percent at reproduction number na 1.47. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *