David Archuleta, nag-out bilang bahagi ng LGBTQ community

Nag-out na ang 2008 American Idol runner-up na si David Archuleta.

Sinabi ni Archuleta sa kanyang Instagram post kung saan ay inamin niya na bahagi siya ng LGBTQ community na meron pa rin siyang mga katanungan tungkol sa kanyang sarili.

Mababasa sa post ng singer, “I came out in 2014 as gay to my family. But then I had similar feelings for both genders so maybe a spectrum of bisexual,”

Nilinaw naman ni David na hindi tulad ng iba ay wala siyang masyadong sexual desires at urges na pwedeng makonsidera bilang “asexual.”

Ang Asexuality ay tumutukoy sa tao na hindi pasok sa traditional standards at expectations kaugnay sa sexual desires.

Para sa 30-year old singer ay gumagana ang asexuality dahil sa kaniyang religious commitment na umiwas sa pakikipagtalik bago ang kasal.

Mababatid na lumaki si Archuleta sa ilalim ng pangangalaga ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *