David Licauco, lalabanan ang Anti-Silos Class ni Jak Roberto

Inihayag ni David Licauco na siya’y isang seloso sa totong buhay, ngunit nasa lugar naman.

Kaya kung may JRU (Jak Roberto University) Anti-Selos Class ang boyfriend ng kanyang ka-love team na si Barbie Forteza, meron din daw siyang DLSU, ang David Licauco Seloso University.

Ni-reveal kasi nito na seloso siya ngunit nasa lugar at depende naman sa context o sitwasyon.

Kung matatandaan, naging kontrobersyal ang love triangle set-up ng tatlo lalo na’t umuusbong ang fanbase ng dalawa.

Pero ayon kay David, pinagtatawanan lang nila ni Barbie at Jal ang mga memes na kumakalat at nagiging viral sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *