DBM, hinikayat ang mga LGU sa Mindanao na suportahan ang digitalization

Binigyang-diin ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang hamon niya sa mga local government units (LGUs) sa Mindanao na i-adapt na ang digitalization sa lahat ng uri ng transaksyon at proseso.

Sa Mindanao League of Local Budget Officers (MLLBO) Annual Convention, sinabi ni Pangandaman na ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos na dapat nang i-‘fully embrace’ ang digitalization upang makapagbigay ng mas maayos na serbisyo sa mga tao sa pamamagitan ng frontline services.

Ibinahagi rin nito na naglaan ang bansa ng P38.75B budget sa 2024 national budget para sa digitalization – 60.6% na mas mataas noong 2023.

Inaasahang susuportahan ng naturang halaga ang innovations pagdating sa libreng internet Wifi connectivity, national broadband plan, at national government portal.

Mensahe ng kalihim, ipagpatuloy ng mga lokal na pamahalaan ang pag-promote sa digitalization dahil ito ay higit na kailangan ng makabagong panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *