DBM, tiniyak ang dagdag-sahod sa gov’t employees

Nagsalita na ang Department of Budget and Management (DBM) kaugnay sa hirit ng mga government workers na taasan sa P33,000 kada buwan ang sweldo ng mga manggagawa sa gobyerno dahil sa tumataas na presyo ng mga bilihin.

Binigyan-diin ng DBM na may aasahan pang umento sa sweldo ang mga kawani ng pamahalaan sa susunod na taon dahil sa huling tranche ng Salary Standardization Law.

Maliban dito ipinunto ng ahensiya na ang pagtataas ng umento sa sahod ng mga manggagawa ay nangangailangan ng isang legislative measures na maaring ihain sa Senado at Kamara.

Inilahad din ng DBM na sa 2023 National Expenditure Program (NEP), naglaan ito ng P47 million sa ilalim ng Governance Commission for GOCCs (GCG) budget para suportahan ang pag-aaral sa government compensation structure ng iba’t-ibang national government agencies at GOCCs.

Sa usapin ng gratuity pay sa mga job order at contractual service worker, inihahanda na umano ng DBM ang kaukulang executive issuance na nakatakda nilang i-endorso sa Office of the President.
#

RELATED STORY:

Government workers, nanawagan sa gobyerno na itaas sa P33k ang minimum wage sa buong bansa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *