Death certificate ng estduyanteng sinampal ng kanyang guro sa Antipolo City, inilabas na ng Amang Rodriguez Hospital

Inilabas na kaninang umaga ng Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang death certificate ng estudyanteng nasawi matapos daw sampalin ng kanyang guro sa Antipolo City.

Ito ay makaraang pakiusapan ng pamilya ni Francis Jay Gumikib at PNP ang ospital upang maisailalim na sa autopsy ang labi ng biktima.

Batay sa death certificate ng estudyante, ang immediate cause ng kanyang pagkasawi ay global brain edema o pagdurugo sa utak.

Nauna nang sinabi ni Police Executive Master Sergeant Divina Rafael, hepe ng Antipolo City Police-Women’s and Children Protection Desk, na sa sandaling matapos ang otopsiya sa biktima ay doon na nila isasampa ang kasong homicide laban sa guro.

Sa ngayon, naghain na ng leave of absence ang guro habang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Kaklase ng grade 5 student na namatay matapos umanong sampalin ng guro sa Antipolo City, nasaksihan mismo ang pangyayari

Nasaksihan mismo ng isa sa kaklase ng grade 5 student na si Francis Jay Gumikib ang pangyayari ng araw na sinaktan ng kanilang guro ang estudyante sa loob ng paaralan noong September 21.

Kwento niya, hinampas sa may bandang leeg at sinabunutan si Francis at hinawakan pa ang uniporme nito.

Tinawag daw ni Francis ang atensyon ng guro para ireklamo ang kaingayan ng mga kaklase at doon na raw ito sinaktan.

Galit daw ang guro, at iyong araw na iyon lamang daw nila nakitang nanakit ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *